Monday, November 9, 2015

MARIA LABO HANDA NA SA MALAKING PREMIERE NIGHT SA NOV. 10, 2015





Kate Brios: Natuwa nang husto nang malaman na ang family friend nilang si Mayor Duterte ay pupunta ng Manila para mag-attend ng premiere night ng first solo movie niyang Maria Labo sa Tuesday NATUWA ang star ng Maria Labo movie na si Kate Brios nang malaman niyang darating ang family friend nilang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa premiere night ng first solo movie niyang Maria Labo sa Tuesday, November 10, sa SM Megamall Cinema .



 Ani Kate: “Hectic ang schedule ni Mayor Duterte, pero nang nalaman niyang magkaka-premiere night ang movie ko ay binigyan niya agad ng oras. Aba, gugugol siya ng panahon para lang suportahan ang Maria Labo movie.”
Matagal nang kilala ng pamilya ni Kate si Mayor Duterte. Nag-elementary at highschool siya sa Davao City. Natuwa ang butihing mayor na siya’y artista at may bagong career, bukod sa pagiging accomplished business woman sa ngayon. Bukod kay Mayor Duterte, expected din darating sa premiere night si Atty Salvador Panelo Kasama ni Panelo ang doctor niyang asawa, na head ngayon sa Pilipinas ng Diabetes Society sa Pilipinas.


No comments:

Post a Comment